Nakasumbrero ako sa loob ng bahay kaya para daw aong tanga sabe ng kuya ko.
Pero walang kinalaman yun sa blog ko ngayon pero connected siya sa title nito.
Nag-decide muna ako magsulat bago magsimula sa written report sa isang subject na ang pasahan ay dalawang araw na lang mula sa mga oras na ito. Gaya ng inaasahan, magka-cram na naman ako.
Sino bang may gusto na laging hinahabol ang oras? Ang hindi maka-kumpleto ng tulog at laging bangag at sabaw ang utak? Minsan, mamapapasigaw ka na lang sa sobrang kapaguran. Hindi ko nga naramdaman ang long weekend nitong nakaraan lang.
Nangangalahati na kami sa semester na ito at gaya ng iba, gusto ko ng matapos to. Pereo hindi lang basta matapos, matapos na walang binabagsag na mga subjects. Alam ko na yung feeling kaya ayoko nang muling maranasan pa.
Pwera biro, masakit na talaga ang ulo ko. At katulad ng mga palabas, nasa ikalaimang araw na nito ngayon. Sobrang laki ng epekto nito sa disposisyon ko sa buhay. Wag na lang kaya ako muna pumasok sa morning subject ko bukas at magpa-check up muna? Di ko na talaga kaya. Pag nasa school ako, nawawala naman, siguro kasi may nakakausap ako at kahit papaano, nakakatawa ako, pero ngayon dalawang bagay lang ang nararamdaman ko, nahihilo at nasusuka. At take note, simula pa tong kaninang umaga.
Wala pa akong 30 minutes sa harap ng monitor pero parang di na ko makakatagal. Ayoko ng ganitong pakiramdam.