Huwebes, Mayo 22, 2014

SUMMERrific!

Summer, synonymous ng karamihan sa atin ay bakasyon. Malayo sa paper works, projects, exams at deadlines, in short, malayo sa school . Pero iba ang naranasan ko ngayong summer 2014.

Nag-enroll kami ngayong Summer 2014 para sa isang nabagsak naming subject at maka-advance na rin ng isang subject at the same time. We retook Integral Calculus and advanced Mga Buhay, Gawain at Sinulat ni Rizal as our subjects.

First week and second week was not that exciting. Halos walang prof na pumapasok sa mga klase namen at parang nag-aaksaya lang kami ng pamasahe.

Our classes really started after the Holy week and I felt like everyday was just too tiring for me. As a matter of fact, I made a countdown list of the days for this summer class to end. Even before I go to the school, I was already looking forward on returning back. It's just like I want to fasten the time when I am in school and slow it down when I am at home.

Pero buti na lang at inenroll namen ang summer class. Siguro ngayon, lumobo na ang bill namen sa kuryente dahil nasa bahay lang ako at siguro tumababa na naman ako dahil di ako nagkikikilos. At malamang sa malamang, di ko makikilala ang mga classmates  ko especially sa Rizal na galing pa sa iba't ibang courses pato na rin ang mga prof namin.

Hindi ko mae-enjoy ang summer class na ito kung hindi dahil kina Lara, Jeanne, JM, Theresa at ang bago naming kaibigan na si Lawrence. Sila talaga ang kasama ko from the start. Sa pag-eenroll, pagpapairma,pagkain tuwing tanghalian at byahe pauwi. Di ko masasabing na-enjoy ko ang summer ko kung hindi dahil sa kanila.


Noong una, nabadtrip ako sa prof namen sa Rizal dahil andami niyang pinapagawa, research paper, reporting at docu film. Pero ngayong natapos na, nagpapasalamat ako kay Ma'am at pinagawa niya yun as a compliance for her subject dahil naging mas close kami ng mga kagroupmates ko.

Reporting :)
Last Saturday, me and my groupmates went to Rizal Shrine at Calamba, Laguna to document the replica of Dr. Jose Rizal's house. Nakakatuwang isipin na unang out of town ko para sa acads, kasama ang mga summer classmates ko at hindi ang mga blockmates ko.

Though maraming trials at kamalasan ang naranasan namin while shooting the film, natapos namen ito ng maganda. Thanks sa mga nagggagandahan naming mga host na sila Grace at ate Christine na prehong BBF, sa pagiging runner ni Hanzel at Kuya Kurt at ang malupit na directing at editing ni Kuya Yodel. Eto pala ung sinasabi kong video, makikita sa link.
 https://www.youtube.com/watch?v=_Ke9xJSpebE&index=2&list=LL5tgMjrYOfl4cqDC0BRV8MQ


And at last, natapos na ang countdown ko. Last day ng summer class kahapon at sobrang di ko inakalang malulungkot ako sa pagtatapos nito. Noong una, gustong gusto ko siya matapos pero ngayon, namimiss ko na. Tunay nga talagang walang contentment ang tao.

Thank you Lord dahil kahit sa pinakamadilim na parte ng buhay ko, andyan ka. Your plan never fails talaga. AT kahit ngayon wala pa kaming grade on both subjects, masaya na ako sa experience. Pero sana pasado po ako dahil pinaghirapan sa pinaghirapan ko naman po talaga ito.


Integral Calculus classmates with Sir Zablan :)






Rizal Classmates with Ma'am Sherrenne :)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento