Sabado, Nobyembre 15, 2014

SEEDS

Dahil masyado ng madrama sa facebook, ibubuhos ko na lahat sa blog na to.

Unang- una, salamat sa Diyos at hindi isang ordinaryong partido lang ang nasilahan ko. Isa na itong pamilya.  Pamilya na laging nagtatawanan at andyan para sa isa't isa.

Pangalawa, salamat kay Lawrence na siyang gumawa ng partido na ito. Hindi ko alam kung paano niya kami napa-oo pero yung tiwala na binigay na niya sa amin para ilagay kami sa line-up niya sapat na para tumakbo kami.Love you forever my friend!


Sa mga new found friends, sila Maeryl, Karl, Ray, Reiniel at Ralyn pati na din sina Armina at Carl. I love you friends!

Jeanne at Joan, napasubo na tayo, ngayon nandito na tayo, let's make the most of it na lang. Enjoy our term!
Sa totoo lang, mas maliit ang gusto kong manalo kaysa matalo. Yes. Medyo weird pero ang hirap na kasi dahil sa sobrang sandamakmak ang school works, idagdag pa ang thesis. Grabe. Pero dahil binigay sa kin to ng Diyos, papatunayan ko na kaya kong gawin to at mapabalanse ang aking unbalaced life.

"I can do all things to Christ who strengthens me." Kakayanin naten to. Magkakaroon na talaga ako ng time management para mapatunayan naten na karapat-dapat tayo para sa kanilang mga boto. 

Biyernes, Agosto 29, 2014

Half-Retard

Nakasumbrero ako sa loob ng bahay kaya para daw aong tanga sabe ng kuya ko.

Pero walang kinalaman yun sa blog ko ngayon pero connected siya sa title nito.

Nag-decide muna ako magsulat bago magsimula sa written report sa isang subject na ang pasahan ay dalawang araw na lang mula sa mga oras na ito. Gaya ng inaasahan, magka-cram na naman ako.

Sino bang may gusto na laging hinahabol ang oras? Ang hindi maka-kumpleto ng tulog at laging bangag at sabaw ang utak? Minsan, mamapapasigaw ka na lang sa sobrang kapaguran. Hindi ko nga naramdaman ang long weekend nitong nakaraan lang.

Nangangalahati na kami sa semester na ito at gaya ng iba, gusto ko ng matapos to. Pereo hindi lang basta matapos, matapos na walang binabagsag na mga subjects. Alam ko na yung feeling kaya ayoko nang muling maranasan pa.

Pwera biro, masakit na talaga ang ulo ko. At katulad ng mga palabas, nasa ikalaimang araw na nito ngayon. Sobrang laki ng epekto nito sa disposisyon ko sa buhay. Wag na lang kaya ako muna pumasok sa morning subject ko bukas at magpa-check up muna? Di ko na talaga kaya. Pag nasa school ako, nawawala naman, siguro kasi may nakakausap ako at kahit papaano, nakakatawa ako, pero ngayon dalawang bagay lang ang nararamdaman ko, nahihilo at nasusuka. At take note, simula pa tong kaninang umaga.

Wala pa akong 30 minutes sa harap ng monitor pero parang di na ko makakatagal. Ayoko ng ganitong pakiramdam. 




Huwebes, Mayo 22, 2014

SUMMERrific!

Summer, synonymous ng karamihan sa atin ay bakasyon. Malayo sa paper works, projects, exams at deadlines, in short, malayo sa school . Pero iba ang naranasan ko ngayong summer 2014.

Nag-enroll kami ngayong Summer 2014 para sa isang nabagsak naming subject at maka-advance na rin ng isang subject at the same time. We retook Integral Calculus and advanced Mga Buhay, Gawain at Sinulat ni Rizal as our subjects.

First week and second week was not that exciting. Halos walang prof na pumapasok sa mga klase namen at parang nag-aaksaya lang kami ng pamasahe.

Our classes really started after the Holy week and I felt like everyday was just too tiring for me. As a matter of fact, I made a countdown list of the days for this summer class to end. Even before I go to the school, I was already looking forward on returning back. It's just like I want to fasten the time when I am in school and slow it down when I am at home.

Pero buti na lang at inenroll namen ang summer class. Siguro ngayon, lumobo na ang bill namen sa kuryente dahil nasa bahay lang ako at siguro tumababa na naman ako dahil di ako nagkikikilos. At malamang sa malamang, di ko makikilala ang mga classmates  ko especially sa Rizal na galing pa sa iba't ibang courses pato na rin ang mga prof namin.

Hindi ko mae-enjoy ang summer class na ito kung hindi dahil kina Lara, Jeanne, JM, Theresa at ang bago naming kaibigan na si Lawrence. Sila talaga ang kasama ko from the start. Sa pag-eenroll, pagpapairma,pagkain tuwing tanghalian at byahe pauwi. Di ko masasabing na-enjoy ko ang summer ko kung hindi dahil sa kanila.


Noong una, nabadtrip ako sa prof namen sa Rizal dahil andami niyang pinapagawa, research paper, reporting at docu film. Pero ngayong natapos na, nagpapasalamat ako kay Ma'am at pinagawa niya yun as a compliance for her subject dahil naging mas close kami ng mga kagroupmates ko.

Reporting :)
Last Saturday, me and my groupmates went to Rizal Shrine at Calamba, Laguna to document the replica of Dr. Jose Rizal's house. Nakakatuwang isipin na unang out of town ko para sa acads, kasama ang mga summer classmates ko at hindi ang mga blockmates ko.

Though maraming trials at kamalasan ang naranasan namin while shooting the film, natapos namen ito ng maganda. Thanks sa mga nagggagandahan naming mga host na sila Grace at ate Christine na prehong BBF, sa pagiging runner ni Hanzel at Kuya Kurt at ang malupit na directing at editing ni Kuya Yodel. Eto pala ung sinasabi kong video, makikita sa link.
 https://www.youtube.com/watch?v=_Ke9xJSpebE&index=2&list=LL5tgMjrYOfl4cqDC0BRV8MQ


And at last, natapos na ang countdown ko. Last day ng summer class kahapon at sobrang di ko inakalang malulungkot ako sa pagtatapos nito. Noong una, gustong gusto ko siya matapos pero ngayon, namimiss ko na. Tunay nga talagang walang contentment ang tao.

Thank you Lord dahil kahit sa pinakamadilim na parte ng buhay ko, andyan ka. Your plan never fails talaga. AT kahit ngayon wala pa kaming grade on both subjects, masaya na ako sa experience. Pero sana pasado po ako dahil pinaghirapan sa pinaghirapan ko naman po talaga ito.


Integral Calculus classmates with Sir Zablan :)






Rizal Classmates with Ma'am Sherrenne :)



Huwebes, Abril 17, 2014

Anime Timeline

Bawat tao ay may kanya-kanyang hilig. Mayroon mga tao na nakakahanap ng kasiyahan at peace of mind sa pagsusulat, pagbabasa, pagsasayaw, pagbabanda at kung anu-ano pa. Nagkakataong isa sa mga hilig ko ay panunuod ng anime. Siguro, marami ang nag-iisip na isip bata ako dahil sa hilig ko na to pero dahil sa mga sari-saring kwento na napapanuod ko, nararamdaman ko ang mga bagay na hindi ko naman kadalasan nararamdaman sa pang araw-araw na buhay ko. Natatakot, nakikilig, natatawa, nae-excite at marami pang iba.

Namulat ako sa anime dahil sa mga palabas sa telebisyon tuwing umaga nung bata pa lang ako. Pinapalabas noon ung Voltes V, Heidi, Ghost Fighter, Detective Conan, Hunter x Hunter, Doraemon, Pokemon tyaka Dragon Ball Z. Sabi ng mama ko, kamukha ko daw si Heidi kaya natutuwa ako kapag napapanuod ko yun. Pero masasabi kong di pa lubos ang pagkahilig ko sa anime sa mga panahon na yun.

2003
Ang pinaka-una kong paboritong anime ay ang Nadja. Pinalabas yun date sa Channel 11 tuwing umaga. Nagustuhan ko siya kasi magaling siyang sumayaw tyaka talagang mabait siya, bilang isang bata nung mga panahong yon, inidolo ko din siya. Siguro, yung age bracket na edad ko nun ang target nila kaya patok sa kin yun. Nainis din ako nun sa Channel 11 kasi hindi nila tinapos ung palabas. Grabeng dismaya ang naramdaman ko nun kasi hindi pa nagkikita si Nadja at nanay niya. Talagang nadala na ako sa mga eksena.

Ashita no Nadja
2004
Pinalabas sa Channel 7 ang DN Angel. Umaga din yun bago ako pumasok kaya napapanuod ko din. Medyo di ko ma-appreciate noon ang kwento kasi hindi ko nasimulan pero nagandahan parin ako kasi maganda yung ending.

Minahal ko din si Sakura ng Cardcaptor Sakura dahil magkaparehas kame ng edad nung mga panahon na yon at talagang malakas siya. Gusto ko rin yung mga damit niya na nagbabago bawat episode. Feeling ko nga ako si Sakura eh. :)

Sa mga sumunod na taon, di na ako nakapanuod ng anime dahil naging may klase kame tuwing umaga, oras kung saan pinapalabas ang mga anime sa TV.

2006
Naging panghapon ulet kame at sinubaybayan hindi lamang ako kundi lahat ng mga kaklase ko ang Pokemon tuwing umaga bago pumasok ng eskwelahan. Bawat araw, nagkwekwentuhan kame kung ano ang nangyari kay Ash, ang pagkatalo ng Team Rocket at kung anu-ano pa na may kaugnayan sa palabas. 

2008
Nagbago ang lahat ng nagpalabas ang TV5 ng mga anime sa gabi. Ang astig! Sila lang ang gumawa nun! Nakakatuwa kasi nakaka-relate ang mga kaklase ko kasi napapanuod din nila yun. Dun talaga nagsimula ang hilig ko sa anime.

Yamato Nadeshiko Sichi Henge ang unang napanuod ko, inuulit kasi nila ito pag Sabado at Linggo at marathon kung marathon talaga dahil 5 episodes ng bawat anime ang ipinalabas nila mula tanghali hanggang gabi. Hindi kasi ako nakakapanuod tuwing gabi dahil may mga assignments kame at subsob din ako sa pag-aaral nun kaya laking pasasalamat ko sa pag-uulit nila tuwing weekend.

Pinanuod ko din ang Code Geas: Lelouch of the Rebellion, Melancholy of Haruhi Suzumiya, Clannad, Mai-Hime, Toradora! at Ranma 1/2. Halos lahat sila pinalabas sa TV ang ending maliban sa ang Ranma 1/2 na labis kong kinadismaya. Sa sobrang dismaya ko, pinilit kong matutong gumamit ng internet para mapanuod ang mga nalalabing mga eksena.

2009
Bakasyon ng nadiskubre ko na madami pa palang episodes ang Ranma 1/2. 161 episodes pala to at nasa 30th episode pa lang ang ipinalabas sa TV, hindi lang yun, may 13 OVAs at 2 movies din. Minarathon ko yun at masasabi ko eto ang unang anime na sinubaybayan ko talaga sa internet. Sinimulan ko mula episode 1. Kahit may pasok na noon, nanunuod pa din ako. Pinipigilan ko na lamang ang sarili ko kapag may mga assignments o may exam kinabukasan. Pero pag wala, nanunuod ako ng 5 episodes at mag-aaral ule sa gabe. Ganun ko nairaos ang Ranma 1/2 nung second year high school ako at laking gulat ko pa nung ako ang nanguna sa aming klase. Wala akong top nung ako ay nasa elementarya kaya marami din ang nagulat sa aking nakamit. Kahit nga mga magulang ko, nagulat din eh. :3 Nakakatuwa kasi sina Ranma at Akane, parang mga aso't pusa pero hindi maamin ang nararamdaman sa isa't isa. May halong sabik at lungkot nung malapet ko nang matapos ang lahat ng episodes, OVAs at movies. Nung natapos ko na, hindi pa rin ako satisfied kasi hindi pa rin sila umaamin sa isa't isa officially at hindi pa gumagaling si Ranma. Kaya naman, binasa ko pati ang manga nito. Yun din ang unang beses na makapagbasa ako ng manga. Nakakatuwa ang manga kasi mas detalyado ito kaysa sa anime. Halos magpakasal pa nga sa last chapter sina Ranma at Akane pero hindi natuloy kasi nagkagulo. Haha. Okay na rin kasi ang iba' ibang karakter din ng palabas na ito ang isa sa dahilan kaya naging maganda at makulay ang palabas na to. Ranma 1/2 ang una kong minahal na anime <3

2010-2012
Sa mga sumunod na taon, mga koreanovelas ang mga nahiligan ko. Pinagpupuyatan ko talaga mapanuod lang ang mga ito. Kasabay nito, wala akong ibang pinanuod na anime kundi ang Ranma 1/2 na inuulit ulit ko lang. Pero hindi lahat, ung mga paborito ko lang na episodes. Sobra kasi talaga akong na-hook sa anime na yun kahit marami ang may ayaw. May napanuod din pala akong anime ng mga panahon na ito, ung Love Hina. Kaso di ko masyado trip kasi medyo bastos. Ecchi kasi ung genre niya. Napanuod ko din pala ang Detective Conan. Pero sinukuan ko na kasi sobrang dami ng episodes, mas marami pa sa One Piece at halos walang development sa story nila Ran at Sinichi. Bawat episodes, may iba't ibang characters kaya medyo nakakapagod ding panuorin.



2013
Dahil din sa Ranma 1/2, naenganyo akong panuorin ang Inuyasha. Parehas na author lang ang gumawa sa mga nabanggit kaya feeling ko, maganda din ang Inuyasha. Di ko kasi masyado ma-appreciate ang Inuyasha nung bata pa lang ako kasi puro labanan at may mga nakakatakot na mga kalaban pa. Medyo bata pa kasi ako nun kaya talagang hindi pa bagay sa akin. Pero nung pinanuod ko na, grabe, hindi ako nagsisi. Sa isang upuan lang, natapos ko ang 17 episodes. Katulad ng Ranma 1/2, minarathon ko din eto kasabay ng aking pag-aaral. Pero di tulad ng high school, mas mahirap ngayong college kaya tuwing Friday at Saturday na magdamagan ko lang napapanuod yun. Natapos ko lang ang 167 episodes at 4 na movies nito nung March na.  Nakraos naman sa sem na yon na wala akong mga bagsak! Hooray.

Bakasyon ng sinunod-sunod ko na ang panunuod ng anime. Nagsawa na kasi ako sa kakapanuod ng mga koreanovelas. Una kong pinanuod ang Deathnote. Inabot ng dalawang araw bago ko matapos ang series na to. Medyo nadismaya lang ako ng namatay si L. Yun ung pinakamalungkot na part talaga eh.
Nagdesisyon akong panuorin muli lahat ng nagustuhan kong anime na ipinalabas dati sa TV5 dahil may mga iba doon na putol putol kong napanuod at hindi pa natatapos.

Sinimulan ko sa Yamato Nadeshiko Sichi Henge (The Wallflower), tapos ung Toradora!, The Melancholy of Haruhi Suzumiya pati na rin ung movie nun, ung Disappearance of Haruhi Suzumiya. Napanood ko din ung nagpaiyak talaga sa akin ng todo-todo, ung Clannad, pati ung Clannad After Story. Nakabili din ako ng cd ng Code Geass kaya minarathon ko din ung two seasons nun. The best talaga ang Code Geass!


Nakahiram din ako ng dvd ng Hunter x Hunter kaya napanuod ko din yun pati ung Greed Island neto. Naalala ko ang pagkabata ko at mas lalo kong naintindihan ang istorya ng Hunter x Hunter. Eto na rin ung huling anime na napanuod ko nung bakasyon na iyon.
Habang di pa maluwag ang schedule namen, nakapanuod din ako ng iba't ibang anime. :)
Marami kasing anime sa external disk ng kuya ko kaya na-copy ko un sa laptop ko.

Napanuod ko dun ung isa sa mga paborito kong anime ngayon, ung Sakurasou no Pet na Kanojo (The Pet Girl of Sakurasou) . Kakaiba kasi ung kwento niya, at parang nakikita ko din ung sarili ko sa anime na yun.

Napanuod ko din ung Baka to Test to Shoukanjuu (The Idiot, the Test and the Summoned Creatures), Kore wa Zombie Desu ka? (Is This a Zombie?) at Angel Beats na pare-parehas na comedy at nagpatawa talaga sa akin. Pero kahit pinapanuod ko ung mga yan habang may pasok, nag-aaral pa rin naman ako. Nanunuod lang ako pag may libreng oras.

 Napanuod ko din ang isa sa pinaka-intense na napanuod kong anime. Patayan talaga kung patayan. Nakakatakot din talaga. Ang The Another. Hindi ko inexpect na ung teacher pala ung "another" sa story.
Natapos na ang sem at syempre, dahil sembreak, marami-rami akong napanuod.

Una kong pinanuod ang Zero no Tsukaima. Medyo kabadtrip nga ung series na to kasi ang haba tyaka expected mo na ung mangyayari. Pero kahit papaano, nagustuhan ko rin naman siya pwera ung last season na ayoko ko na talagang tapusin kasi nabababawan na talaga ako.
Para mabawasan ang pagkadismaya ko, pinanuod ko na ung matagal ko ng gustong panuoring anime, ang Sword Art Online dahil marami talagang nagsasabeng maganda yun. Hindi nga sila nagkamali, maganda nga talaga. Yun kasi ung mga tipo kong anime eh, ung pakikiligin at the same time, hindi boring kasi may adventure at labanan. Excited na akong ipalabas ang season 2 nito.


After nun, naintriga ako sa Steins;Gate kaya pinanuod ko din, medyo na-bore ako sa first episode pero pinagtyagaan ko na din. Hindi ako nagsisi dahil hindi siya ordinaryong anime na napapanuod mo. Maganda talaga siya at detalyado ang pagkakabuo ng istorya. After kong mapanuod ang buong series, naghintay din ako ng dalawang buwan dahil narelease na ung movie nito. Must watch talaga ang Steins;Gate!
Pinaka sa pinaka naman ang sunod kong pinanuod na anime, ang Shingeki no Kyojin (Attack on Titans) . Laking pagsisisi ko ng  uminom ako ng kape bago panuorin to kasi sobrang ninerbyos talaga ako at hindi makatulog. Pero pinilit ko na lang isara ang laptop kasi ayokong tapusin ang ganoong kagandang anime sa isang upuan lang. Hari ng cliffhanger ang Shingeki no Kyojin kasi bawat episode talagang pabitin. Lalung lalo na ang last episode kaya binasa ko din pati ang manga. kaso on-going pa pala tong series na to kaya naghihintay ako buwan buwan ng update sa bawat chapter nito.
2014
Sobrang busy ng sem na to para sa akin kaya mahirap ng manuod ng anime. Nakakaiyak. Pero nung bandang February, nakapanuod pa din ako ng Hyouka. Nagandahan ako sa mga mata nila. Tyaka ang simple simple lang pero maganda pa rin ung bawat episode kahit parang walang developmet sa story kasi lagi silang may sinosolve na mga misteryo. Pero kait na ganoon, hindi ako satisfied sa ending. Andun lang sila sa ilalaim ng puno ng sakura tapos humangin tapos ayun, natapos na.  Grabe. Sana may season 2. Deserve talaga ng anime na ito ng season 2!
Napanuod ko din ang Durarara! pero matagal ko to bago natapos dahil madami na kaming mga tests at paper works. Pero pag talagang saturated na ako sa lahat ng iyon, ito yung pinapanuod ko. Grabe ung plot twist sa dulong part. Two thumbs up.


At ngayong bakasyon, bago mag-start ang summer class, talagang nanuod na ako ng anime umaga hanggang gabi. Una kong napanuod ang Kaichou wa Maid-Sama (Class President is a Maid). Sabe kasi ng kaibigan ko, maganda daw kasi. pero sa totoo lang, hindi ko siya nagustuhan. Oo, gusto ko ung mga anime na kikiligin ako kaso medyo plain kasi ung story. 
Na-curios naman ako sa Full Metal Panic! kaya pinanuod ko. Matindi ang impact factor sa akin ng anime na ito. Binasa ko din ang manga nito at mas lalo pa akong nasiyahan. Gusto ko ung may school life at military life si Sasuke. Nakakakilig talaga si Sasuke at Chidori!
Halos isang araw ko lang natapos ang Kyouhai no Kanata (Beyond the Boundary) dahil 12 episodes lang siya. Pero kahit maikli lang, hindi bitin ang series. Ang sweet ng ending, maganda talagang gumawa ng anime ang Kyoto Animations.

Sa mga panahon na natapos ko ang Kyouhai no Kanata at Full Metal Panic!, nalungkot talaga ako. Masyado na kasi akong na-attach sa mga characters at sa story. Bihira ko lang talaga maramdaman ang ganito sa tuwing manunuod ng anime at ayoko din tong maramdaman dahil hindi ako makapag-isip na at makapag-focus masyado.

Dahil sa suggestion ng isang kaibigan, pinanuod ko ang Guilty Crown. Sakto, may ganun si kuya sa external drive niya kaya napanuod ko din ito ng mabilis. Maganda naman siya kaso dahil sa sobrang dami na rin ng napanuod ko, di ko maiwasan ikumpara ito sa kanila. Ung ending niya kasi parang Code Geass eh.


Sa ngayon, ang pinakahuling anime na napanuod ko ay ang Mirai Nikki (Future Diary). Parang pinaghalong Death Note at Hunger Games ang Mirai Nikki. Noong una, natatakot akong panuorin to kasi puro patayan daw, pero nung napanuod ko na, nagsisisi ako kung bakit ngayon ko lang siya pinanuod! Grabe. Sobrang ganda niya talaga. Kahit 26 episodes lang siya, pinilit kong patagalin ang panunuod ko. Ganoon kasi ako pag nanunuod ng anime, pag maganda, hindi ko agad tinatapos, ninanamnam ko ang bawat eksena.


So far, yan pa lang ang napapanuod ko na anime. Mananatiling parte na sila ng aking buhay. At gayun din sa mga papanuorin ko pang anime sa mga susunod.
























Linggo, Abril 13, 2014

Dose Pesos per Unit?

Nabigyan ako ng pribilehiyo bilang maging iskolar ng bayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (Manila) kung saan ang edukasyon ay talagang abot kamay sa dose pesos per yunit na pinapatupad dito. Halos Isang libo lamang ang tuition ng isang estudyante kumpara sa mga iba pang mga unibersidad. Talaga namang malaking ginhawa lalung lalo na sa mga aking magulang na hindi na masyadong namomroblema sa aking mga pag-aaral.

Pero simula ng suriin ko ang breakdown ng tuition ko, napansin kong may mga "miscellaneous fees" pa kong binabayaran. Sa sobrang laki nga nito, mas malaki pa siya mismo sa aking tuition fee talaga kung pagbabasehan ang presyo kada unit kada semestre.

Lalo pa akong nayamot dahil ngayong summer, kailangan kong kunin ang isang subject na naibagsak ko. 3 units yun pero dahil di open ung subject na yun, kinuha na lang namen ung 4 units nun. So expected ko, 4 X 12= 48, 48 pesos lang ang babayaran ko. Pero pucha. 569 ung babayaran ko sa landbank! Para sa isang subject? Nays. Wala pang 10% ng 48 pesos na dapat lang ay babayaran ko! Jusko. Tunog nanay na nagtitipid na yung tono ko sa taas ng tuition fee para sa isang subject.

Kaya malaki din ang mga pagpapasalamat ko sa mga patuloy na nakikipaglaban sa mga estudyante sa aming pamantasan. Kahit namimis'interpret sila minsan, hindi madalas talaga. Ayun, patuloy pa rin sila sa pakikipaglaban para sa ating mga interes bilang iskolar ng bayan. Ang mga tinutukoy ko, syempre walang iba, ung mga aktibista. May mga kakilala ako at sa maikling panahon na nakasalamuha ko sila, masasabi kong astig sila. Yung di natatakot na ilabas ang kanilang nararamdaman. Matibay sa kanilang pinaglalaban. Pero kung ako ay tatanungin kung gusto kong mapasama sa kanila? Ang sagot ko pa rin ay "hindi". Hindi dahil eto ang gusto ko, ayoko nang magpaliwanag pa. Pero hindi dahil sa ayaw ko ay di ko sila sinusuportahan. Ayaw ko madismaya ang aking mga magulang at ayoko rin mapabayaan ang aking pag-aaral. Dahil sa simula pa lang, kaya ako pumasok sa PUP ay para makapagtapos at matulungan ang aking mga magulang.

Sabado, Abril 12, 2014

Know Me Better :)

Hi! Ako si Irene.

17 pa lang at nakatira sa Caloocan. Biology student ako sa Polytechnic University of the Philippines at inaantok na ako ngayon.

Sa totoo lang, ayokong may makasabay pag bumibyahe ako papunta sa school pati na din pauwe dahil maoobliga ka pang kausapen yung kaibigan mo sa halip na matulog ka na lang. Pero syempre, may mga exceptions pa din to depende sa makakasabay. :)

Ayoko rin sa mga taong nale-late sa oras na pinag-usapan, kaya galit ako sa sarili ko. Medyo magulo. Haha. Basta, ayaw ko ung sinasayang ang oras ko. Sayangin mo na ang pera ko wag lang ang oras ko. Yan ang motto ko. Haha. Seryoso.

Naiinis din ako sa mga taong mayayabang at mahahangin.

Ayaw ko rin ng mga tamad, sinungaling, madaya at iresponsable. Lahat naman ata ayaw un.

Ahmm, ano pa ba ang ayaw ko? So far un lang ata. Ung mga gusto ko naman ang ibabahagi ko. :)

Gusto ko ng mga aso. Nagsimula yan ng nagkaroon kami ng mga aso. Gusto ko rin sa mga pusa, nagsimula rin yan ng nagkaroon kame ng pusa. Pero kung ititimbang ang dalawa: aso>pusa ako.

Gusto ko rin sa mga banda. Pero hindi lahat gusto ko. May mga favorite ako at medyo madame sila. Haha. Eraserheads, Parokya ni Edgar, A Rocket to the Moon, All Time Low, We The Kings, The Cab, Mayday Parade, the Maine, This Century, Boys Like Girls, The Ready Set and Paramore. :) Fangirl akong maituturing kung sila ang mapag-uusapan.

Mahilig din akong manuod ng anime. Otaku na nga ata ako eh dahil sa sobrang dami na ng napanuod ko. Sa katanuyan, puno ang dingding ng kwarto ko ng mga anime posters. Isa rin sa mga pangarap ko ang pumunta sa Japan. Ung maglakad sa ilalim ng puno ng cherry blossom at mapuntahan ang mga lugar kung saan hango ang settings ng mga anime na napanuod ko ay talagang pangarap ko. Kung bibigyan ng pagkakataon, gusto ko rin mag-aral ng Japanese language.

Gusto ko ang mga taong madaling pakisamahan at may malawak na pang-unawa, masisipag at pasensyosa. Minsan kasi hindi ako ganun.

Ayun. Inaantok na talaga ako. #WalaAkongPakialam na naman ang  post na ito para sa mga magbabasa. Pero para sa mga nakakakilala sa akin ng personal, isa itong paraan para mas makilala mo pa ako.




Social Storytelling

"Ako, magba-blog?" tanong ko sa sarili ko nung isang taon dahil sawa na ko sa facebook magpost dahil maraming mga mata ang titingin sayo dun at hindi rin naman pwede sa twitter dahil may limit ang bawat words maski spaces.

Feeling sikat, pablog-blog pa. Haha. Yan talaga ang naiisip ko. Pero wala eh, nasa panahon ako na kung saan malaya kang gamitin ang internet lalung lalo na sa mga pang personal na kababawan at kaartihan. Pero anong magagawa ko? Eto ako at ito ang gusto kong paraan para magkwento.

Nagulat ako na ginawa ko pala tong blog site na ito nung nakaraang taon. Ngayon ko na lang talaga ito napansin at ang huling bukas ko pa ata ay nung mismong araw na ginawa din ito. Iba pa ung contact number ko at ang panget pa ng username ko, halatang minadali. :)

Nung nakaraang buwan lang, gumawa ako ng account sa tumblr para mag "blog" pero parang hindi yun ang tamang lugar para sa mga pinagsasabe at pinagsusulat ko dahil puro pictures at gif ang nakikita ko.  Kaya naman nung nakaraang linggo lang. gumawa naman ako ng isang page sa weebly at ginawa kong blog site ko. Haha. Trip lang. Pero parang hindi rin un ung intensyon ng site na iyon. Para ata un sa mga companies na gustong gumawa ng sarili nilang mga websites. Pero trip ko ung weebly page ko. Feeling ko, maliit na notebook ko lang siya na sulatan ko ng mga iba't ibang ideas at kung anu-ano pa. Mas trip ko din un kaysa sa tumblr kasi sigurado kang hindi bubungad ung mga pinagsusulat mo sa dashboard ng ibang tao dahil wala naman kasing ganun yun. :) Kailangan mo talagang alamin ung link para mabasa mo ung mga laman nun.

Pero nagsusulat lang talaga ako ngayong gabi para opisyal na simulan ang paggamit sa blogger page na to at ang aking mga iba pang pede niyong puntahang mga sites para sa aking mga kaartihan.

Ang aking facebook para sa aking nmga kaibigan, para mayroon paring connections sa kanila, ang aking twitter para sa aking mga updates, madalas talaga dun ako nagiistatus (pero connected to sa fb ko), ang aking tumblr para rin sa iba pang mga kwento kwento at mga hilig ko, ang aking weebly account (na ewan ko kung gagamitin ko pa) para sa aking mga naiisip sa mga oras habang ako ay nagsusulat at eto, ang aking blogger! Yeah. Pero malamang sa malamang, kung ano ang naisulat ko na sa aking blogger, ilalagay ko din sa weebly account ko.Wala lang, para parehas silang may saysay.

Isa nanamang walang kakwenta-kwentang pagkwekwento ang inyong nabasa, hanggang sa susunod!