Nabigyan ako ng pribilehiyo bilang maging iskolar ng bayan sa
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (Manila) kung saan ang edukasyon
ay talagang abot kamay sa dose pesos per yunit na pinapatupad dito.
Halos Isang libo lamang ang tuition ng isang estudyante kumpara sa mga
iba pang mga unibersidad. Talaga namang malaking ginhawa lalung lalo na
sa mga aking magulang na hindi na masyadong namomroblema sa aking mga
pag-aaral.
Pero simula ng suriin ko ang breakdown ng
tuition ko, napansin kong may mga "miscellaneous fees" pa kong
binabayaran. Sa sobrang laki nga nito, mas malaki pa siya mismo sa aking
tuition fee talaga kung pagbabasehan ang presyo kada unit kada
semestre.
Lalo pa akong nayamot dahil ngayong
summer, kailangan kong kunin ang isang subject na naibagsak ko. 3 units
yun pero dahil di open ung subject na yun, kinuha na lang namen ung 4
units nun. So expected ko, 4 X 12= 48, 48 pesos lang ang babayaran ko.
Pero pucha. 569 ung babayaran ko sa landbank! Para sa isang subject?
Nays. Wala pang 10% ng 48 pesos na dapat lang ay babayaran ko! Jusko.
Tunog nanay na nagtitipid na yung tono ko sa taas ng tuition fee para sa
isang subject.
Kaya malaki din ang mga
pagpapasalamat ko sa mga patuloy na nakikipaglaban sa mga estudyante sa
aming pamantasan. Kahit namimis'interpret sila minsan, hindi madalas
talaga. Ayun, patuloy pa rin sila sa pakikipaglaban para sa ating mga
interes bilang iskolar ng bayan. Ang mga tinutukoy ko, syempre walang
iba, ung mga aktibista. May mga kakilala ako at sa maikling panahon na
nakasalamuha ko sila, masasabi kong astig sila. Yung di natatakot na
ilabas ang kanilang nararamdaman. Matibay sa kanilang pinaglalaban. Pero
kung ako ay tatanungin kung gusto kong mapasama sa kanila? Ang sagot ko
pa rin ay "hindi". Hindi dahil eto ang gusto ko, ayoko nang
magpaliwanag pa. Pero hindi dahil sa ayaw ko ay di ko sila
sinusuportahan. Ayaw ko madismaya ang aking mga magulang at ayoko rin
mapabayaan ang aking pag-aaral. Dahil sa simula pa lang, kaya ako
pumasok sa PUP ay para makapagtapos at matulungan ang aking mga
magulang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento