"Ako, magba-blog?" tanong ko sa sarili ko nung isang taon dahil sawa na ko sa facebook magpost dahil maraming mga mata ang titingin sayo dun at hindi rin naman pwede sa twitter dahil may limit ang bawat words maski spaces.
Feeling sikat, pablog-blog pa. Haha. Yan talaga ang naiisip ko. Pero wala eh, nasa panahon ako na kung saan malaya kang gamitin ang internet lalung lalo na sa mga pang personal na kababawan at kaartihan. Pero anong magagawa ko? Eto ako at ito ang gusto kong paraan para magkwento.
Nagulat ako na ginawa ko pala tong blog site na ito nung nakaraang taon. Ngayon ko na lang talaga ito napansin at ang huling bukas ko pa ata ay nung mismong araw na ginawa din ito. Iba pa ung contact number ko at ang panget pa ng username ko, halatang minadali. :)
Nung nakaraang buwan lang, gumawa ako ng account sa tumblr para mag "blog" pero parang hindi yun ang tamang lugar para sa mga pinagsasabe at pinagsusulat ko dahil puro pictures at gif ang nakikita ko. Kaya naman nung nakaraang linggo lang. gumawa naman ako ng isang page sa weebly at ginawa kong blog site ko. Haha. Trip lang. Pero parang hindi rin un ung intensyon ng site na iyon. Para ata un sa mga companies na gustong gumawa ng sarili nilang mga websites. Pero trip ko ung weebly page ko. Feeling ko, maliit na notebook ko lang siya na sulatan ko ng mga iba't ibang ideas at kung anu-ano pa. Mas trip ko din un kaysa sa tumblr kasi sigurado kang hindi bubungad ung mga pinagsusulat mo sa dashboard ng ibang tao dahil wala naman kasing ganun yun. :) Kailangan mo talagang alamin ung link para mabasa mo ung mga laman nun.
Pero nagsusulat lang talaga ako ngayong gabi para opisyal na simulan ang paggamit sa blogger page na to at ang aking mga iba pang pede niyong puntahang mga sites para sa aking mga kaartihan.
Ang aking facebook para sa aking nmga kaibigan, para mayroon paring connections sa kanila, ang aking twitter para sa aking mga updates, madalas talaga dun ako nagiistatus (pero connected to sa fb ko), ang aking tumblr para rin sa iba pang mga kwento kwento at mga hilig ko, ang aking weebly account (na ewan ko kung gagamitin ko pa) para sa aking mga naiisip sa mga oras habang ako ay nagsusulat at eto, ang aking blogger! Yeah. Pero malamang sa malamang, kung ano ang naisulat ko na sa aking blogger, ilalagay ko din sa weebly account ko.Wala lang, para parehas silang may saysay.
Isa nanamang walang kakwenta-kwentang pagkwekwento ang inyong nabasa, hanggang sa susunod!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento