Sabado, Abril 12, 2014

Know Me Better :)

Hi! Ako si Irene.

17 pa lang at nakatira sa Caloocan. Biology student ako sa Polytechnic University of the Philippines at inaantok na ako ngayon.

Sa totoo lang, ayokong may makasabay pag bumibyahe ako papunta sa school pati na din pauwe dahil maoobliga ka pang kausapen yung kaibigan mo sa halip na matulog ka na lang. Pero syempre, may mga exceptions pa din to depende sa makakasabay. :)

Ayoko rin sa mga taong nale-late sa oras na pinag-usapan, kaya galit ako sa sarili ko. Medyo magulo. Haha. Basta, ayaw ko ung sinasayang ang oras ko. Sayangin mo na ang pera ko wag lang ang oras ko. Yan ang motto ko. Haha. Seryoso.

Naiinis din ako sa mga taong mayayabang at mahahangin.

Ayaw ko rin ng mga tamad, sinungaling, madaya at iresponsable. Lahat naman ata ayaw un.

Ahmm, ano pa ba ang ayaw ko? So far un lang ata. Ung mga gusto ko naman ang ibabahagi ko. :)

Gusto ko ng mga aso. Nagsimula yan ng nagkaroon kami ng mga aso. Gusto ko rin sa mga pusa, nagsimula rin yan ng nagkaroon kame ng pusa. Pero kung ititimbang ang dalawa: aso>pusa ako.

Gusto ko rin sa mga banda. Pero hindi lahat gusto ko. May mga favorite ako at medyo madame sila. Haha. Eraserheads, Parokya ni Edgar, A Rocket to the Moon, All Time Low, We The Kings, The Cab, Mayday Parade, the Maine, This Century, Boys Like Girls, The Ready Set and Paramore. :) Fangirl akong maituturing kung sila ang mapag-uusapan.

Mahilig din akong manuod ng anime. Otaku na nga ata ako eh dahil sa sobrang dami na ng napanuod ko. Sa katanuyan, puno ang dingding ng kwarto ko ng mga anime posters. Isa rin sa mga pangarap ko ang pumunta sa Japan. Ung maglakad sa ilalim ng puno ng cherry blossom at mapuntahan ang mga lugar kung saan hango ang settings ng mga anime na napanuod ko ay talagang pangarap ko. Kung bibigyan ng pagkakataon, gusto ko rin mag-aral ng Japanese language.

Gusto ko ang mga taong madaling pakisamahan at may malawak na pang-unawa, masisipag at pasensyosa. Minsan kasi hindi ako ganun.

Ayun. Inaantok na talaga ako. #WalaAkongPakialam na naman ang  post na ito para sa mga magbabasa. Pero para sa mga nakakakilala sa akin ng personal, isa itong paraan para mas makilala mo pa ako.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento